Mga Gayuma at Agimat / Dala-dalahan

 

Deskripsyon: Isang masusing pagsusuri sa paggamit ng mga gayuma at agimat/dala-dalahan na laganap sa nakaraan at kasalukuyang mga lipunan at ang pangkalahatang Islamikong alintuntunin tungkol dito.
NiImam Kamil Mufti


Mga Kinakailangan

· Paniniwala sa Allah (2 bahagi).


Mga Layunin

· Upang maunawaan kung gaano kalaganap ang mga gayuma at agimat sa modernong lipunan.
· Upang maunawaan ang tunay na kahulugan ng gayuma, agimat/dala-dalahan, at anting-ating.
· Upang maging pamilyar sa mga karaniwang agimat.
· Upang maging pamilyar sa mga gayuma at agimat sa sina-unang Arabia
· Upang maunawaan ang pangkalahatang Islamikong alintuntunin hinggil sa mga gayuma at agimat.
· Upang malaman ang Islamikong patakaran tungkol sa Quranikong mga gayuma at agimat.

 

 
Mga Terminolohiyang Arabik

· Shirk – isang salita na tumutukoy sa pagtatambal sa Allah, o pagbibigay ng banal na katangian sa iba maliban pa sa Allah, o paniniwala na ang pinanggagalingan ng lakas, pinsala at biyaya ay nagmula sa iba maliban pa sa Allah.
· Ruqyah – orasyon.


Sa loob ng libu-libong taon, sinubukan ng mga tao na magdala ng magandang kapalaran at umiwas sa kamalasan para sa kanila at sa kanilang mga ari-arian sa pamamagitan ng paggamit ng mga gayuma, agimat, at anting-anting. Ang gayuma ay isang gawain o pagpapahayag na pinaniniwalaang may lakas at kapangyarihan, katulad ng pagdalit o orasyon.[1] Ang anting-anting ay isang bagay na nagtataglay ng tanda o katangian, at pinaniniwalaang nakatutulong upang makaiwas sa masama at magbigay ng magandang kapalaran.[2] Ang agimat ay ginagamit upang pangalagaan ang tao, o kanyang mga pagaari, katulad ng mga bahay at alagang hayop mula sa kasamaan ng mga mangkukulam, demonyo, at ilang mapaminsalang kapangyarihan, o upang hadlangan ang kamalasan at pagkakasakit. Ang anting-anting ay matatagpuan kapwa sa Silangan at sa Kanluran, sa mga tribo at mga bansa hanggang sa kasalukuyan panahon. Ang mga Assyriano at Ehipto, Griyego at Romano, Hudyo at mga Kristiyano, ang tumangkilik sa sina-unang paniniwalang ito, at, sa iba't ibang antas, ay tinatangkilik pa rin hanggang sa ngayon.[3] Sa kabila ng teknikal at siyentipikong pagunlad, ang mga pamahiin at agimat ay nagpapatuloy sa paglaganap sa Kanluraning lipunan. Ilan sa mga tanyag na agimat sa Kanluran ay:

(1) Ang Sapatilya ng Kabayo. Ang pinaka-karaniwang makikitang pampasuwerte sa makabagong Hilagang Amerika ay ang sapatilya ng kabayo at ang mga halimbawa nito sa anyo ng alahas, palamuti sa dingding, at mga larawan. Ang paggamit ng mga lumang sapatilya bilang mahiwagang agimat - lalo na kung nakasabit sa itaas o malapit sa pintuan - ay nagsimula sa Europa, kung saan matatagpuan pa rin ito na nakasabit sa mga tahanan, kamalig at kuwadra mula Italya maging sa Alemanya hanggang sa Britanya at Scandinavia.

(2) Ang halaman na may apat na dahon. Ang halaman na may apat na dahon ay kabilang sa mga karaniwang pampa-suwerte sa Hilagang Amerika lalo na yaong madalas makita na imahe sa mga pampa-suwerteng barya, at mga pampa-suwerteng tarheta/postkard.

(3) Ang wishbone o “merry thought.” Ang wishbone ay ang ikatlo sa sikat na agimat ng mga Amerikano, kasunod lamang ng sapatilya at halamang may apat na dahon. Ito ay isang buto malapit sa dibdib ng ibon, katulad ng sa manok, o turkey. Nakagawian na itabi ang buto na ito kapag inihahanda ang manok para sa hapunan at patuyuin sa kalan o sa apoy hanggang sa lumutong. Kapag natuyo na, ibinibigay ito sa dalawang tao, na hihilahin magkabila, hanggang sa mabali, bawat isa ay humihiling habang ginagawa ito. Ang tao na nakakuha ng “mahabang parte” ng wishbone ay "magkakatotoo ang kanyang kahilingan". Kung ang wishbone ay pantay na nabali, kapwa nila makakamit ang kanilang mga kahilingan.

(4) Ang paa ng Kuneho.

(5) Pampa-suwerteng pulseras.

(6) Pampa-suwerteng barya o 'panlagay sa pitaka.’

(7) Ang masuwerteng Nakangiting Buddha karaniwang makikita sa Oriental na mga tindahan at restawran.


Ang kuwintas na krus. Kapag napabendisyunan, ay itinuturing na mahalagang sakramento.

Agimat ng mga Hebreo: Palawit na hugis-dahon ng ubas na mayroong simbulo ng Bituin ni David (Star of David). Isa sa mga sina-unang gamit nito ay bilang simbulo ng salamangkang Kabalistiko.

Mga Gayuma at Agimat ng Sina-Unang Arabia

Ang mga Arabianong agimat (tameemah sa Arabe) ay gawa mula sa mga perlas o buto na isinusuot sa leeg ng mga bata o matatanda, o isinasabit sa mga tahanan o sasakyan, upang makaiwas sa masasama – lalo na sa usog – o maghatid ng ilang kapakinabangan. Ang mga Arabo sa kapanahunan ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsusuot ng mga palamuti sa kamay, pulseras, kuwintas, kabibi, at mga katulad na anting-anting upang magdala ng suwerte o humadlang sa masamang kapalaran.

Islamikong Patakaran sa mga Gayuma

Ang Allah ang tanging Panginoon at ang Pinuno ng pisikal na mundo. Ang ‘Panginoon’ ay nangangahulugang Siya ang Tagapaglikha at namamahala ng lahat ng bagay sa sanlibutan; ang Kaharian ng langit at ng lupa ay nauukol lamang sa Kanya, at Siya ang nagmamay-ari nito. Siya lamang ang nagkakaloob ng pagiral mula sa hindi pagiral at nakabatay sa Kanya ang pangangalaga at pananatili nito. Kinakailangan ang kanyang kapangyarihan sa bawat sandali upang magpatuloy ang lahat ng mga nilikha. Ang mga Anghel, mga propeta, sangkatauhan, ang mundo ng mga hayop at mga halaman ay nasa Kanyang pamamahala. Tanging ang Allah lamang ang nakababatid kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ang suwerte at masamang kapalaran ay nagmumula sa Allah lamang.

Ang pananalig sa mga gayuma, agimat, at anting-anting ay sumasalungat sa paniniwala sa pagka-Diyos ng Allah sa pamamagitan ng pagtatambal sa kakayahan na magkaloob ng magandang kapalaran o umiwas sa pinsala. Samakatuwid, ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay tutol sa mga paniniwala at kaugaliang ito at nagturo sa tao na magkaroon ng matibay na paniniwala sa Panginoon, kaysa sa mga agimat, na hindi mababago anuman ang itadhana ng Allah at hindi makapagbibigay ng magandang kapalaran kanino man. Kahit na hindi man ito makapagbigay ng anumang pinsala, ang paniniwala sa mga agimat ay kadalasang magbubunsod sa idolatriya kalaunan. Ito ay makikita sa mga Katoliko kung saan ang mga krus, rebulto at medalyon ng mga santo ay isinusuot o iniingatan para sa mga pagpapala at magandang kapalaran.

Noong tinanggap ng tao ang Islam sa kapanahunan ng Propeta, dala-dala nila ang kanilang dating paniniwala sa mga agimat. Mahigpit na ipinagbawal ng Propeta sa kanila na sundin ito:

(1) Ang Sugo ng Allah, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi,

‘ang mga orasyon (ruqyah), agimat, at gayuma ay shirk.” (Ahmad, Abu Dawud)

(2) Ang Sugo ng Allah ay nagsabi,

“Sinuman ang magsuot ng mga agimat, huwag sanang tustusan ng Allah ang kanyang mga pangangailangan, at sinuman ang magsuot ng mga kabibi, huwag sana siyang bigyan ng Allah ng kapayapaan.” (Ahmad)

(3) Isang pangkat ang dumating sa Sugo ng Allah upang mangako ng katapatan sa kanya. Tinanggap niya ang katapatan ng siyam sa kanila. Sinabi nila, “O Sugo ng Allah, tinanggap mo ang pakikipagkasundo ng siyam maliban sa isang ito.” Ang Propeta ay nagsabi,

“Siya ay may suot na agimat.”

Dinukot ito ng lalaki mula sa kanyang damit at tinanggal, kung kaya't ang Propeta ay tinanggap ang kanyang katapatan, na nagsabi,

‘Sinuman ang magsuot ng agimat ay nakagawa ng shirk.” (Ahmad)

Ang mga kasamahan ay mahigpit na sumunod sa pagbabawal na itinakda ng Propeta sa mga agimat. Hayagan nilang tinutulan ang mga ganoong gawain kahit na sa kanilang mga pamilya. Halimbawa, si Hudhayfah, isa sa mga kasamahan ng Propeta, ay dinalaw ang isang may sakit na lalaki, at matapos makita ang pulseras sa braso ng lalaki, tinanggal niya ito at sinira, at binanggit ang talata,

“Karamihan sa kanila na naniniwala sa Allah, ay nakagagawa ng shirk.” (Quran 12:106)[4]

Sa ibang okasyon nahawakan niya ang itaas na bahagi ng braso ng may sakit na lalaki at nakita niya ang isang nakapalupot na pulseras na tali. Ang lalaki ay nagsabi kay Hudhayfah na nagtataglay ito ng orasyon na ginawa lamang para sa kanya, kaya't sinira ito ni Hudhayfah at sinabi, ‘Kung ikaw ay namatay na suot iyon, Hindi ako magdadasal sa iyong libing.’[5]

Minsan, si ibn Mas’ood ay nagsabi, “Narinig ko ang Sugo ng Allah ay nagsabi,

‘Ang mga orasyon (ruqyah), agimat at gayuma ay shirk.”

Si Zaynab, asawa ni ibn Mas’ud ay nagsabi, “Bakit mo sinasabi ito? Sumpa man sa Allah, ang aking mata ay lumuluha ng walang patid at ako ay kung kani-kanino na pumunta, ang Hudyo, na nag-orasyon dito (gayumang-kuwintas) para sa akin, at ito (ang mata) ay gumaling.” Hinablot ito ni Ibn Mas’ud sa kanyang leeg at sinira. ‘Katiyakan, ang pamilya ni Abdullah ay hindi nangangailangan ng shirk,” sinabi niya… “Iyon ay kagagawan ng demonyo na ginagamit ang kanyang kamay, at nang (ang Hudyo) ay nag-orasyon, siya ay tumigil. Ang kailangan mo lang gawin ay sabihin kung ano ang madalas na sinasabi ng Sugo ng Allah:

‘Adhhib il-ba’s Rabb al-naas ishfi anta al-Shaafi laa shifaa’a illa shifaa’uka shifaa’an laa yughaadiru saqaman

“Tanggalin ang pinsala, O Panginoon ng sangkatauhan, at pagalingin, Ikaw ang tagapagpalunas. Walang lunas maliban sa iyong paggamot, isang paggaling na walang iniiwang karamdaman.” (Abu Daud, Ibn Majah)

Ang pagsusuot ng agimat ay shirk dahil, sa halip na magtiwala sa Allah, ang puso ay napapalapit sa agimat, nagtitiwala na magdudulot ito ng suwerte at pagibig, o nakapagpapaiwas sa masamang kapalaran o karamdaman.

Islamikong Patakaran sa Quranikong mga Gayuma at Agimat

Ilan sa mga Muslim ay nagsusuot ng Quran bilang pampa-suwerte, alin man sa nakasabit sa sasakyan, o nasa key chains, o nakasuot ng pulseras o kwintas. Isang maliit na Quran na inilalagay sa palawit ng kuwintas. ‘Allah,’ ‘Bismillah,’ ‘La ilaha ill-Allah,’ o mga piling talata ng Quran, minsan ay nakasulat sa maliit na papel, ay isinusuot bilang palawit. Ang pagsusuot nito bilang dekorasyon ay malinaw na shirk, karamihan sa mga tao ay sinusuot ito bilang proteksyon o pagpapala. Samakatuwid, ang kaugaliang ito ng pagsusuot ng Quran bilang pampa-s'werte ay dapat huwag sundin sa mga kadahilanang:

(i) Maaring magbunsod ito sa pagsusuot ng hindi-Qur-anikong agimat o dala-dalahan na itinuturing na shirk ng mga taong hindi alam ang kaibahan nito.

(ii) Kawalang-galang na isuot ang Pangalan o ang salita ng Allah sa loob ng palikuran at kadalasang mahirap para sa isang tao na nagsusuot ng mga Quranikong bagay na tanggalin ito sa bawat pagpunta sa palikuran.

(iii) Ang Propeta mismo ay hindi nagsuot ng mga bagay na iyon o naglagay sa mga miyembro ng kanyang pamilya para sa proteksyon o pagpapala, sa halip pinag ingat niya sila sa anumang uri ng agimat.

Talababa:
[1] “charm.” Encyclopædia Britannica from Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9125164)
[2] “talisman.” Encyclopædia Britannica from Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9071049)
[3] Jewish Encyclopedia, p. 546.
[4] Ibn Abi Hatim
[5] Ibn Waki’

 

 

error messagebox
00:00

AntingAntingTitle

Mga Gayuma o mga Anting - anting

 

Paki click lamang po ang berde at puting arrow para sa ating maikling pagsusulit

 

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top